simpleng mamamayan

About Me

mga buhay-buhay sa loob at labas ng aming munting bahay
your name:

url:

your message:

November 16th, 2005

Decision

Posted by common_tao at 11:28 AM on November 16, 2005.

Ayon kay Ginoong John Oxenham:

“Sa bawat tao ay nabubuksan and daan at mga daan at mga daraanan.
Ang mabunying kaluluwa ay umaakyat sa Mataas na Daan,
Ang abang kaluluwa ay nangangapa sa mababang Daan,
Sa kanilang pagitan, sa malabong karagatan,
May nagyayao’t dito naman.
Sa bawat tao’y may nabubuksan
Isang Mataas at Mababang daan.
Bawat tao ay nagpapasiya
Kung saan tutungo ang kanyang kaluluwa.”

Hanggang sa muli.

9 ang nagpaunlak

September 30th, 2005

Mr. Carpon

Posted by common_tao at 10:59 AM on September 30, 2005.

Anima Christi

“Soul of Christ, sanctify me
Body of Christ, save me
Blood of Christ, inebriate me
Water from the side of Christ, wash me
Passion of Christ, strengthen me
O Good Jesus, hear me
Within Thy Wounds, hide me
Suffer me not to be separated from Thee
From the malignant enemy, defend me
In the hour of my death, call me
And bid me come to Thee
That with Thy saints
I may praise Thee
Forever and ever.
Amen.”

St. Ignatius de Loyola

  

   Hindi lamang sa kanyang matalas na pagiisip, mahusay na pagtuturo at makulay na pagtatalakay kung kaya't siya'y hinangaan at kinagiliwan ng maraming mag-aaral (isa na ako), bagkus ay dahil na rin sa siya'y magaling makipagkapwa-tao.  Naghasik ng kaalaman ng kung ilang taon rin yata sa Adamson University kung saan marami rin siyang "tagasubaybay" bago mapadpad sa lugar namin si Ginoong Carpon at magturo ng Ekonomiks.

   Bago pa kami magsipagtapos ng haiskul ay lumipad na muli siya at di ko na nabatid pa kung saang paaralan dumapo.  Nasa ikatlong taon na'ko sa kolehiyo, mga kalagitnaan yata ng 2002 ng makita ko si sir sa National Bookstore sa may Robinson sa may Ermita.

   Nasambit sa'kin minsan ng isang kaibigang kamag-aral na bago simulan ni sir ang klase niya sa kanyang advisory class ay inaawit niya kasabay ang kanyang mga "anak", o mas mainam pa nga yatang tawaging "kabarkada", ang Anima Christi:

Soul of Christ
Sanctify me
Body of Christ
Save me
Water from the side of Christ
Wash me
Passion of Christ
Give me strength
Hear me, Jesus
Hide me in Thy Wounds
That I may never leave Thy side
From all the evil that surrounds me
Defend me
And when the call of death arrives
Bid me come to Thee
That I may praise Thee with Thy saints
Forever

Hanggang sa muli.

7 ang nagpaunlak

September 8th, 2005

Maria

Posted by common_tao at 05:17 AM on September 8, 2005.

 

Sino siyang

dumarating

marilag na

tulad sa bukang-liwayway

magandang

tulad sa buwan

maningning na

parang araw

at

kakila-kilabot

na tulad sa

dumadaluhong na hukbo?

 

Hanggang sa muli.

8 ang nagpaunlak

September 5th, 2005

Kaya ko'to!

Posted by common_tao at 10:42 AM on September 5, 2005.

Liwanag sa Dilim
Rivermaya

Ituring ang iyong sariling
Tagahawi ng ulap
Sa kalangitang kulimlim
Kampanang yayanig
Sa bawat nilalang
Magigising ang lupang
Kulang sa dilig

Ikaw ang magsasabing
"Kaya mo to!"
Tulad ng isang tanglaw
Sa gitna ng bagyo

Isigaw mo sa hangin
Tumindig at magsilbing
Liwanag
Liwanag sa dilim
Harapin mong magiting
Ang bagong awitin
Ikaw ang
Liwanag sa dilim

At sa paghamon mo
Sa agos ng ating kasaysayan
Uukit ka ng bagong daan

Ikaw ang aawit ng
"Kaya mo to!"
'Sang panalangin
Sa gitna ng gulo

 

Hanggang sa muli.  

2 ang nagpaunlak

September 3rd, 2005

Sa'yo

Posted by common_tao at 11:48 AM on September 3, 2005.

Mahal na mahal kita...

Aayos na'ko.

 

Hanggang sa muli.

Currently holding hands with:

her

Currently listening to: her
Currently reading: her eyes
Currently feeling: calm

7 ang nagpaunlak

« | »